Ang lalaki ay babae ay merong malaking pagkakaiba pagdating sa pag-ibig at seks, ito ay may malalim na kaugnayan sa ating sinaunang nakaraan. Sa panahon ngayon ang mga lalake ay naaakit sa babae ayon sa kanyang kalusugan, pertilidad at kabataan, ganun din naman ang mga babae sila naman ay bumabase sa kakayahan ng lalaki, kalagayan, mga pangako at estado ng kabuhayan---katulad ng mga pangyayai sa ating mga ninuno. Sa katotohanan, wala namang masyadong nagbago sa loob ng daang libong taon sa ating silakbong sekswal at gana. Ito ay hindi masyadong kilalang ideya sa malapulitikang mundo na ating ginagalawan nakasanayan na o nakagawian na sabihing ang lalaki at babae ay pareho ng minimithi sa buhay, may parehong motibasyon, pinagbabasehan, at kagustuhan, ngunit kung patuloy mong susuriin, makikita mo na napakasimpleng hindi ito totoo. Sa katunayan, sa iyong sarili ay alam mo na wala itong katotohanan. Ang mitong ito ay pinanatili ng mga taong mapaghanap ng kapangyarihan tulad ng mga burokrata, mga pinuno ng simbahan, grupo o samahan ng mga kababaihan, at iba pang may motibasyong politikal. Sa mas magandang salitain mas tamang sabihing ang lalaki at babae ay magkaparehong mag-isip, magkahalintulad ng kagustuhan, subalit kung naranasan mong mamuhay na kasama sila, magtrabaho na kasama sila, o pamahalaan sila, malalaman mo na ito ay walang katotohanan.
No posts.
No posts.